Ticker

6/recent/ticker-posts

SINO ANG TUNAY NA HARI NG BILIBID AT SIGA NG MGA SIGA?



Jaybee Sebastian, ang "hari ng piitan", ang bad boy ng Bilibid. Kilala siya sa buong Pilipinas, hindi dahil sa kaniyang krimen, kundi dahil sa kaniyang papel sa malaking kontrobersiya na nagpatumba sa dating senadora na si Leila De Lima. Noong 2016, isiniwalat niya ang iba't ibang kalokohan sa loob ng Bilibid, at kasama na rito ang umano'y partisipasyon ni De Lima sa mga illegal na droga. 'Yan ang dahilan kung bakit nahuli ang senadora at naipasok sa bilangguan. Todo ang sakit sa ulo na dinala ni Sebastian sa gobyerno dahil sa kaniyang mga rebelasyon. Pero hindi siya basta-basta preso lang ha? Mataas ang kaniyang ranggo sa loob ng Bilibid. May mga kwento na may sarili siyang bahay sa loob, may aircon, may flat screen TV, at kung anu-ano pa. Talagang high-profile inmate siya, parang may sariling palasyo sa loob ng kulungan! Tuwang-tuwa ang mga media sa kanya, laging hinahanap ang kaniyang opinyon at istorya. Para bang artista sa loob ng Bilibid, laging hinihintay ng mga tao ang susunod niyang hakbang. Hindi kataka-taka na ang ibang mga preso, naiinggit at naiinis sa kaniya. Pero sino nga ba si Jaybee Sebastian bago siya tinaguriang maging bilibid king, si JB Sebastian ay isang college dropout noong third year niya. Nahuli siya dahil sa mga kasong carnapping at kidnapping. Una siyang dinala sa National Bureau of Investigation detention center. Pagkatapos ng isang buwan, inilipat siya sa Manila City Jail. Dito, agad siyang nakilala bilang overall advisor ng gang na Sigisige Commando. Parang consultant, 'di ba? Nang mahatulan siya noong 2009, dinala siya sa maximum security unit ng New Bilibid Prison. Dito, naging lider siya ng grupo na Presidio - isa sa dalawang pangunahing drug operators sa loob ng bilibid. Ginagamit daw siya umano ng mga drug lords para lipulin ang mga distributor na hindi nakakapag-abot ng kita mula sa bentahan ng droga sa loob at labas ng bilibid. Sa loob ng bilibid, hindi lang si JB Sebastian ang may bigating pangalan. May iba pang malupit na karibal siya na si Herbert Colangco, isang convicted kidnapper at kapwa malaking testigo sa kaso ni De Lima. Si Herbert daw ang pinuno ng ibang grupo na tinatawag na Carcel. Parang basketball lang 'yan, ha? May team JB at team Herbert, naghaharap-harap sa loob ng kulungan.

Herbert "Ampang" Colanggo. Isang batang may pusong lion sa Ozamiz City, walang ibang bakanteng espasyo sa dibdib niya kundi para sa pamilya. Sa barangay Carmen, sa syudad ng Ozamiz, isinilang si Ampang. Sinasabing mabait at masunuring bata si Herbert at pinalaki siya nang maayos. Tsinelas, shorts at sando lang ang puhunan sa pang-araw-araw. Kumbaga sa basketball, naaabot niya ang bola sa rebound pero sa pagaaral, kapos para tumira ng tres - hanggang grade 6 lang kasi siya at hindi na siya nakaapak ng highschool dala ng tindi ng kahirapan. Nang magkasakit ang tatay niya ng malaria, lalo silang naipit sa kahirapan. Ang nanay niya, wala ring hanapbuhay maliban sa paglalaba. Kulang na kulang ang kanilang kinikita para sa pang-araw-araw na gastos, lalong-lalo na sa gamot ng tatay niya. Sa bawat araw, parang isang mahabang pila ang buhay nila, hindi nila alam kung may maiuuwi silang kahit konting pagkain para sa kanilang pamilya. Sa sobrang kapos, hindi nila alam kung ilang beses sila makakakain sa isang araw. 'Yung tipong sa bawat kagat, kailangan mong isipin kung may susunod pa bang hapunan o kahit almusal man lang kinabukasan. Kaya naman, sa edad na pito, napilitan si Ampang na maghanapbuhay. Pero sino ba naman ang tatanggap sa isang batang totoy? Wala, kaya't nagnakaw siya. Di niya gustong maging magnanakaw pero wala na siyang ibang pagpipilian. Hindi naglaon, lumaki si Ampang. At kasabay ng kanyang paglaki ay ang paglaki rin ng kanyang mga krimen.

Wu Tuan Yuan alyas Peter Co ay isang Chinese national, sinasabing siya ang leader ng Bilibid 19 at leader ng isang Chinese drug Triad na nakabase ang operasyon sa Luzon at Metro Manila. Batay sa isang intelligence report na nakaabot kay dating Pangulong Duterte, si Peter Co ay may direktang koneksyon sa China para sa distribusyon ng mga illegal na droga at paraphernalia dito sa bansa. Bagamat hindi fluent sa pag-sasalita ng Tagalog si Peter Co, ayon sa mga impormasyon, ay nakakaintindi naman ito kahit papano. Noong 2001, nasentensiyahan si Peter Co ng reclusion perpetua o permanenteng pagkakabilanggo dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot na may timbang na 251.04 grams. Kahit na hindi inamin ni Peter Co ang mga alegasyon laban sa kanya, ayon sa mga pulis na umaresto sa kanya, walang duda na si Peter Co ang supplier ng mga nahuhuli nilang mga nagbebenta.



Source: Utol Ford







Share us your thoughts by leaving some comments below.

Post a Comment

0 Comments