tanong? Anong klaseng tulong sa war gagawin ng US sa Pinas? baka armas lang bibigay tapos utang pa natin sa US?
Yan ang problema sa Kano makipagbasagan na ng mukha sa Tsina at gusto nila tayo'y idadamay nila. Eh wala pa namang pera ang mga Kano dahil bagsak ang kanilang ekonomiya at marami silang pinagkagastusan gyera sa Ukraine at Israel na hanggang ngayon ay hindi pa tapos. Ngayon dito na naman gusto nilang manggulo sa Southeast Asia kaya talaga aasa sa atin yan ng pangtustos sa gyera nila. Problema nga natin ang tumataas na presyo ng bigas ay hindi pa nga nalutas sa gobyernong ito, pero ito tayo ngayon nasadlak na sa malaking problema dahil lang sa agarang pagbibigay ng EDCA sites ni Marcos Jr.sa Kano at kakasahan na nila ang Tsina . Lalong gutom at hirap ang dadanasin natin sa pangyayaring ito. May magagawa pa na solusyon si Marcos Jr. kung talagang mahal niya ang kanyang mga kababayan na pagsabihan niya sa telepono si Biden ng Amerika na huwag ng ituloy ang balak ng Amerika na gyerahin ang Tsina at kung bakit, sasabihin niya ang tutoo na ayaw niyang mahirapan at mapahamak ang kanyang mga kababayan dito sa Pilipinas dahil lang sa gulo. Tawagan din niya si Xi Jin Peng ng Tsina na ayaw niya ng gulo kundi ang mga ito idaan na lamang sa mapayapang resolution na nakakabuti para sa magkabilang panig. Ganoon lang ang gagawin ni Marcos Jr. at tapos na ang mga problemang ito.
0 Comments